Nag-suicide dahil sa kahirapan

CAMARINES NORTE, Philippines ­— Pinaniniwalaang kahirapan sa buhay ang isa sa motibo kaya nagdesisyon ang isang 26-anyos na magsasaka na magbigti kamaka­lawa ng umaga sa Purok 6, Barangay Bactas sa bayan ng Basud, Camarines Norte. Natagpuang nakabitin sa puno ng santol na may 200 metro ang layo sa kanilang bahay si Jaeliven Lomberio. Huling namataang buhay ang biktima na matamlay na nakikipag-usap kanyang mga kaibigan kung saan naikuwento nito na walang pag-asa sa buhay sa matagal na panahong pagiging magsasaka.

Show comments