MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Bulacan Gov. Wilhelmino Sy Alvarado kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ipatigil ang pagpapatupad ng 13 porsiyentong pagtaas ng toll fee sa North Luzon Expressway (NLEx). Binigyan diin ni Alvarado na walang public hearing na ginawa ang pamunuan ng NLEx at hindi rin kinonsulta ang taumbayan at pamahalaang panlalawigan sa ginawang pagtaas ng toll fee. Naniniwala si Alvarado na sa halip na itaas ang toll fee ay dapat bigyan ng reward o bonus ng mga conscesionaire ang mamamayan ng Central Luzon kasama ang Bulacan at Northern Luzon dahil sa pagtangkilik sa NLEx. Ikinalungkot ng gobernador na ang pagtaas ng toll fee ay tiyak tataas din ang pasahe sa mga pampasaherong sasakyan, pagtaas ng presyo ng kalakal, pagtaas ng pasahod at economic dislocation.