^

Probinsiya

Habambuhay sa shabu supplier

- Artemio Dumlao -

BENGUET, Philippines – Habambuhay na pagkakulong ang inihatol ng mababang korte laban sa isang misis na vegetable dealer makaraang mapatunayang nagpapakalat ng ipinagbabawal na droga sa Barangay Bayabas sa ba­yan ng La Trinidad, Benguet noong Disyembre 9, 2006.

Matapos ang apat na taong paglilitis, nagpalabas ng 12-pahinang desisyon na petsang Enero 7, 2010 si Judge Marybelle Demot-Mariñas ng Regional Trial Court Branch 8 laban sa akusadong si Amy Dasigan na guilty sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165.

Bukod sa habambuhay na hatol ay pinagmumulta si Dasigan ng P.5 milyong kung saan may karagdagang parusa na 12 hanggang 14 na taong pagkakulong at multang P.3 milyon.

Sa record ng korte, si Dasigan ay naaktuhang nagbebenta ng shabu sa bisinidad ng Bayabas, La Trinidad, ma­tapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cordillera Administrative Region (CAR) December 9, 2006, kung saan 6-plastic sachet ng shabu (.52 gramo) ang nakumpiska.

AMY DASIGAN

BARANGAY BAYABAS

BAYABAS

BENGUET

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

DASIGAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JUDGE MARYBELLE DEMOT-MARI

LA TRINIDAD

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with