^

Probinsiya

7 kidnaper nadakma

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pitong kalalakihan na sangkot sa kidnap-for-ransom group at pambobomba ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon noong Lunes ng hapon sa General Santos City.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Cedric Train, General Santos City PNP director, sinabi nito na ang grupo ay pinamumunuan ni Abosama Gumbay na may operasyon sa Central Mindanao.

Ang grupo naman ni Abdullah Salindatu ang sangkot sa pagdukot sa negos­yanteng si Cristina Eleuterio ng Norallah, South Cotabato noong Nobyembre 14, 2010.

Sina Jomar Guiamat, Mohalidin Baguilan at si Teng Sipe ay naaresto sa kahabaan ng highway sa Apopong habang lulan ng kulay abong Mitsubishi van (MBH-138).

Sumunod namang nadakip sina Abdullah Salindatu, Musib Indal, Randy Zamora at si Abosama Gumbay sa kahabaan ng highway sa Purok San Vicente, Brgy. Labangal.

Nabatid na si Zamora ay isa namang notoryus na bomber  ng grupo sa extortion activities sa mga negosyante.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang granada, mga baril at ibat’ ibang uri ng bala.

vuukle comment

ABDULLAH SALINDATU

ABOSAMA GUMBAY

CEDRIC TRAIN

CENTRAL MINDANAO

CRISTINA ELEUTERIO

GENERAL SANTOS CITY

MOHALIDIN BAGUILAN

MUSIB INDAL

PUROK SAN VICENTE

RANDY ZAMORA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with