P15-M ari-arian naabo

OLONGAPO CITY, Philippines – Tinatayang aabot sa P15 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang malaking department store sa bahagi ng Rizal Avenue sa Olongapo City noong Sabado ng umaga. Ayon kay Fire Chief F/Chief Insp. Jonas Silvano, nagsimula ang apoy bandang alas-5 ng umaga sa ikalawang palapag ng Happy Valley Department Store Kaagad naman rumesponde ang mga tauhan ng pamatay-sunog ng Olongapo City at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kung saan napigilan ang pagkalat ng apoy. Wala naman iniulat na nasugatan o nasawi sa naganap na nasunog habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments