12 bandido sumuko

MANILA, Philippines - Dahil sa pagod na sa pamumuhay sa kabundukan at mistulang mga dagang tinutugis ng mga awtoridad ay nag­desisyon ang 12-bandido na sangkot sa mga gawaing kriminal ang sumuko sa pulisya at militar sa bayan ng Malungon, Sarangani kamakalawa. Kabilang sa mga nagsisuko ay sina Uba Buan, Lito Landawe, Cresia Fiang, Arnold Magunday, Dante Malila, Sol Fiang, Allan Pandacan, Angelito Pandacan, Moresto Maligon, Luga Wata, Mariano Pandacan at si Jerry Tewaru kung saan isinuko rin ang kanilang mga baril. Ang mga bandido ay nagsisuko sa mga operatiba ng Malungon PNP at Army’s 1002nd Infantry Brigade ni Brig. Gen. Rainier Cruz sa bayan ng Malungon. Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interogation ang mga sumukong bandido.

Show comments