^

Probinsiya

Chinese todas sa landslide

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI City , Philippines   — Nilamon ng lupa ang isang Chinese national makaraang matabunan ng landslide sa Barangay Himagtocon, Lagonoy, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima ay si Chen Tehao, empleyado ng Primework Mining Corp. at pansamantalang nakatira sa naturang lugar.

Bandang alas-7:15 ng umaga ng mabagsakan ng bato at maguhuan ng lupa ang biktima dulot ng malalakas na pag-ulan sa lugar.

Samantala, naantala ang relief operation na isinasagawa ng Philippine Air Force matapos na hindi makalapag ang dalawang helicopter na maghahatid ng relief goods sa Brgy. Mataas at Brgy. Mapulang Daga sa isla ng Cagraray sa bayan ng Bacacay, Albay bunga ng hindi magandang panahon.

Ayon kay Col. Guilermo Molina Tactical Operation Group-5 Commander, hindi nakalapag ang dalawang helicopter na may dalang aabot sa 200 relief goods na mula sa Albay at donasyon ni Vice President Jejomar Binay. Ihahatid naman ang relief goods sa oras na gumanda ang panahon.

ALBAY

BARANGAY HIMAGTOCON

BRGY

CAMARINES SUR

CHEN TEHAO

GUILERMO MOLINA TACTICAL OPERATION GROUP

MAPULANG DAGA

PHILIPPINE AIR FORCE

PRIMEWORK MINING CORP

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with