MANILA, Philippines – Napaslang ang isang municipal councilor matapos na pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Barangay Plazang Luma, sa bayan ng Arayat, Pampanga kamakalawa. Naisugod pa sa Arayat District Hospital subalit namatay din si Councilor Francisco Balagtas Jr., may asawa at residente ng Barangay Cacutud, sa nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na lulan ng kotse (NDO-261) ang biktima nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding assassin.