Totoy dedo sa killer jeep

MANILA, Philippines –  Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki matapos masagasaan ng jeep sa kahabaan ng highway ng Barangay Janopol, Tanauan City, Batangas kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Laurel Memorial District Hospital si Daniel Amurao. Arestado naman ang driver ng AUV type-jeep (RFW-497) na si Gregorio Camiso, 48.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa highway ng Brgy. Janopol Oriental dakong alas-6 ng gabi kung saan nakatayo ang bata sa kanang bahagi ng kalsada nang suwagin ng jeep.

Nabatid na nakaladkad pa ng ilang metro ang bata matapos magulungan ng jeep. Nahaharap naman sa kasong kriminal ang drayber na ngayon ay nakakulong sa himpilan ng pulisya.

Show comments