MANILA, Philippines – Tatlong sundalo na kabilang sa Peace and Development Outreach programs ng Philippine Army ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Tagum City, Davao del Norte kahapon ng umaga.
Ayon kay Army’s 10th Infantry Division Spokesman Lt. Col. Medel Aguilar, kabilang sa mga napatay ay sina Pfc. Juan Baluyas, Pfc. Milon Ewik at si Sgt., Eliseo Toque
Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat, bandang alas-7:15 ng umaga habang patungo ang mga sundalong lulan ng motorsiklo sa Purok 4 ng nabanggit na barangay para magsagawa ng peace and development program nang tambangan ng mga rebelde.
Kinondena naman ni Aguilar ang insidente sa pagsasabing sinasabotahe ng mga rebelde ang pagbabago ng istratehiya ng AFP na pangunahing prayoridad ang civil military operations sa mga malalayong komunidad sa bansa.