^

Probinsiya

Nagalit sa misis; mister nanunog

- Ni Myds Supnad -

SABLAN, Benguet, Philippines – Pinaghahanap ngayon ng mga pulis ang isang magsasaka na lango sa alak matapos nitong sunugin ang sariling bahay noong Martes dahil nagalit sa kanyang misis sa Upper Banangan, sa bayan ng Sablan, Benguet. Base sa police report, bago ang panununog ay dumating ang senglot na suspek na si Rudy Lacbao sa kanilang bahay kung saan sa hindi nabatid na dahilan ay pinagsisigawan at pinagbabantaan ang sariling misis. Kaagad naman sumaklolo ang mga kamag-anak ng suspek upang awatin ang kaguluhan ngunit nagulat na lang ang mga ito nang mamataang nagliliyab na ang bahay na dalawang palapag ng mag-asawa. Wala namang naiulat na nasugatan dahil nakatakbo palabas ng bahay ang iba pang kasambahay at kaanak ng mag-asawa.

vuukle comment

ASAWA

BAHAY

BENGUET

KAAGAD

PINAGHAHANAP

RUDY LACBAO

SABLAN

UPPER BANANGAN

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with