Bata pisak sa van

QUEZON, Philippines - Napisak na animo’y kamatis ang katawan at ulo ng isang 2-anyos na batang babae makaraang masagasaan ng pampasaherong van sa kalsadang sakop ng Barangay Olongtao Ibaba, sa bayan ang Macalelon, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jessica Katrina Donoso ng Barangay Amontay, samantalang sumuko naman sa pulisya ang drayber na si Ramirez Ting Suarez, 25, ng General Luna, Quezon. Ayon kay PO1 Alex Bonton, hindi na nakapagpreno si Suarez ng kanyang van (WPM 762) matapos na tumawid ang bata kung saan nakaladkad pa ng ilang metro.

Show comments