MANILA, Philippines - Nakatakas kamakalawa sa dragnet operation ng mga awtoridad ang itinuturing na notoryus bomber ng mga bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa pambobomba sa simbahan ng Jolo, Sulu na ikinasugat ng 11 katao noong Pasko.
Bandang alas-2 ng hapon nang lusubin ng mga pangkat ng Special Operation Group ng Jolo PNP sa pamumuno ni Inspector Juliebee Muksan at Provincial Intelligence and Investigation Personnel ang safehouse ni Gafur sa Zone 3, Barangay Tulay, Jolo, Sulu.
Narekober sa pinagkukutaan ni Gafur ang mga sangkap sa paggawa ng bomba kabilang ang dalawang kilo ng ammonium nitrate, 18-piraso ng electrical wiring na kulay puti, kayumanggi, abo at asul.
Si Gafur ay sinasabing pangunahing suspek sa pambobomba sa Sacred Heart of Jesus Chapel noong Disyembre 25 na ikinasugat ng 11-katao kabilang si Fr. Rick Baculcol.
Nagpapatuloy naman ang malawak na manhunt operations laban sa grupo ni Gafur.