Misis 'di-magkaanak tinodas

MANILA, Philippines - Naging malagim ang Bagong Taon sa mag-asawa makaraang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang isang misis ng kanyang mister sa loob ng kanilang tahanan sa Hacienda Subd. sa bayan ng Zaraga, Iloilo noong Sabado ng umaga. Sa ulat ni P/Senior Supt. Gil Blando Lebin Jr. na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang napaslang na si Maria Rosela Mahan, 33, habang arestado naman ang suspek na marino na si Joey Mahan. Lumilitaw na biglang pinagsasaksak ng suspek ang kaniyang misis sa hindi pa malamang dahilan kung saan hawak pa nito ang duguang kutsilyo nang maabutan ng mga kamag-anak. Samantala, tila wala sa sarili ang suspek na tinangkang magsaksak sa sarili  bago nakumbinseng sumuko sa pulisya. Nabatid pa na tatlong taon ng nagsasama ang mag-asawa pero hanggang ngayon ay wala pa rin anak na posibleng naging sanhi para maburyong ang suspek.

Show comments