Rookie cop nakabaril ng sibilyan

MANILA, Philippines -  Nalalagay sa balag ng alanganin ang isang bagitong pulis makaraang mabaril nito ang isang 47-anyos na mister sa bahagi ng Roxas Street sa Barangay Princesa sa Puerto Princesa City, Palawan, ayon sa ulat kamakalawa. Kasalukuyang nagpapagaling sa Ospital ng Palawan si Alfonso Mahilum samantalang sumuko at isinailalim sa kustodya ng Mendoza PNP station si PO1 Rolando Tabayag Jr. ng Provincial Public Safety Company ng Palawan Provincial Police Office. Lumilitaw sa police report na nakarating sa Camp Crame na lango sa alak si PO1 Tabayag nang paglaruan nito ang kaniyang baril kung saan aksidenteng pumutok at tumama sa ibabang bahagi ng tiyan ng biktima. Determinado naman ang pamilya ni Mahilum na kasuhan si PO1 Tabayag na isinailalim na sa paraffin test.

Show comments