^

Probinsiya

2,719 Katao inilikas

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Philippines — Umaabot na sa 2,719 katao ang inilikas sa ibat ibang bayan ng lalawigan ng Albay matapos na ang mga lugar na ito ay bahain at nagkaroon ng landslide. Ayon sa ulat na nakarating kay Albay Gov. Joey Salceda sa bayan ng Manito ay apat na barangay ang nagkaroon ng landslide na kinabibilangan ng Brgy. Malobago 187 pamilya ang apektado, Brgy. Tinapian  138 pamilya, Brgy. Buyo 629 at Brgy. Nagotgot, 533 katao ang inilikas. Samantala ang Ma­lilipot ay ang Brgy. San Jose 99 katao apektado, San Roque 115 at Calbayog 73 katao ang nakaranas naman ng pagbabaha sa naturang mga barangay. Sa Sto. Domingo naman ay ang Brgy Buhatan at Salvacion ang apektado sa pagbabaha habang sa bayan ng Jovellar ay dalawang barangay ang apektado din. Samantala sa bayan ng Bacacay ay ang Brgy. Mataas na may 392 katao ang inilikas at Mapulang Daga ay nasa 442 katao din ang inilikas dulot ng malakas na pagulan at pagbahasa naturang barangay. Nagpalabas na rin ang abiso ang PDCC (Provincial Disaster Coordinating Council) ng babala sa mga nakatira sa mga mabababang lugar bilang babala sa flashfloods at landslide upang maka­iwas sa sakuna.

vuukle comment

ALBAY GOV

BRGY

BRGY BUHATAN

JOEY SALCEDA

MAPULANG DAGA

PROVINCIAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

SA STO

SAMANTALA

SAN JOSE

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with