Trak bumaliktad: 2 utas, 1 grabe

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang isa naman ang malubhang nasugatan makaraang bumaliktad ang trak sa pakurbadang highway sa Barangay Taisan sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Kabilang sa mga namatay ay sina Sonny Moida at  Ronald  Taliban-Kapaw na kapwa pahinante ng trak habang naisugod naman sa ospital ang sugatang drayber ng trak na si Lucas Atienza ng Las Piñas City. Sa ulat ni P/Senior. Inspector Noel  Aquino, nawalan ng kontrol ang drayber kaya nagpagiwang-giwang bago bumaliktad ang trak na may kargamentong patuka sa manok mula sa Batangas.

Show comments