^

Probinsiya

2,135 baril ng mga pulis plinasteran

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Upang tiyakin na hindi makakapagpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon, plinasteran na ang dulo ng mga baril ng 2,135 pulis na nakatalaga sa buong Pangasinan kamakalawa.

Ayon kay P/Supt. Geraldo Roxas, hepe ng Police Community Relations ng Panga­sinan Provincial Police Office, nanguna sa mga naglagay ng masking tapes sa dulo ng mga baril si Pangasinan PPO Director P/Senior Supt. Rosueto Ricaforte upang magsilbing halimbawa sa kaniyang mga tauhan.

Kabilang sa mga nagplaster ng dulo ng mga baril ay ang may 100-pulis na luminya sa parade grounds ng Pangasinan PPO matapos ang tradisyunal na flag-raising ceremony.

Sumunod namang nagplaster ng mga baril ang iba pang himpilan ng pulisya sa Pangasinan sa 48- bayan at ilang lungsod sa ilalim ng superbisyon ng kanilang mga hepe.

Samantala, pinangunahan rin ni Chief of Directorial Staff P/Senior Supt. Noli Talino ang pagpla-plaster sa mga inisyung baril ng mga opisyal at tauhan sa kanilang hurisdiksyon.

Nahaharap naman sa kasong kriminal at administratibo ang sinumang pulis na mapapatunayang nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

BAGONG TAON

CHIEF OF DIRECTORIAL STAFF P

DIRECTOR P

GERALDO ROXAS

NOLI TALINO

PANGASINAN

POLICE COMMUNITY RELATIONS

PROVINCIAL POLICE OFFICE

ROSUETO RICAFORTE

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with