Ama, kaibigan inatado ng anak

CAMARINES NORTE , Philippines    — Kamatayan sa nalalapit na Bagong Taon ang sumalubong sa isang ama at kaibigan nito makaraang mapagtripang saksakin ng anak ng una kamakalawa sa Purok 1, Barangay Mahanwanhawan sa bayan ng labo, Camarines Norte. Kinilala ang mga napatay na sina Joven Sismundo, 52, at Anacleto Aceron Jr. habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Marvin Sismundo.

Lumilitaw na inanyayahan ni Joven ang kanyang kaibigang si Anacleto na tumagay subalit nagalit ang suspek. Dito na nag-amok ang suspek at sinasak si Anacleto kung saan nadamay naman si Joven matapos awatin.

Show comments