Saleslady ni-rape slay

CAVITE, Philippines  — Isang 19-anyos na saleslady ang hinalay at saka pinatay ng mga hindi pa nakilalang salarin kahapon ng madaling araw sa Brgy Paliparan 1, Dasmariñas City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Catherine Bautista Villar­,   sales lady ng Puregold Mall at residente ng Nia Road Brgy. Paliparan 1 ng nasabing lungsod.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Abesamis may hawak ng kaso ganap na alas-4 ng madaling-araw ng makatanggap sila ng tawag mula sa ilang residente ng nasabing lugar hinggil sa natagpuang nakahubad at patay na biktima na nakahandusay sa madamong bahagi ng nasabing lugar.

Wala pang ibabang saplot ang biktima kung kaya malaki umano ang posibilidad na ginahasa muna ito bago pinatay ng mga ’di-nakilalang suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung papauwi na ba ang biktima ga­ling sa trabaho o papasok pa lamang ito. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang pulisya hinggil sa naganap na insidente.

Show comments