Vendor dedo sa pulis

MANILA, Philippines - Napatay ang isang 35-anyos na vendor makaraang masapul ng bala na aksidenteng nakalabit ng pulis ang gatilyo ng kanyang baril sa Barangay Santisimacruz sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna kamakalawa ng gabi. Nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek na si PO2 Randy Cosio ng Pangil Municipal Police Station matapos mapatay nito si Cristina Verina. Sa ulat ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz, na nakarating sa Camp Crame bandang alas-11:30 ng gabi habang nag­babantay sa tindahan ang biktima nang masapol ng bala sa ulo. Sa imbestigasyon, nag-a-unload ng kanyang service firearm si Cosio sa  loob  ng kanyang computer shop malapit sa tindahan ng biktima nang  aksidenteng pumutok ang  baril  at  tumama  sa  vendor.

Show comments