'Sabwatan' sa P26.6-M anomalya
LAGUNA, Philippines – Pinaniniwalaang may sabwatan sa pagitan nila Calamba City Mayor Joaquin Chipeco at NBI chief Magtanggol Gatdula at iba pa para pagtakpan ang katotohanan sa imbestigasyon ng maanomalyang P26.6 million ghost projects.
Ito ang tahasang sinabi ni Dok Severino Vergara, isa sa complainants sa ‘graft charges’ laban kay Mayor Chipeco, iba pang opisyal at suppliers/contractors ng city hall at lokal na sanggay ng Philippine National Bank (PNB) na nakahain sa Office of the Deputy Ombudsman for Luzon.
Ayon kay Vergara, nakapagtatakang hindi isinama ng NBI sina Chipeco, acting City Treasurer Liberty Toledo, ex-Vice Mayor Pursino Oruga at 9 na supplier para makasuhan sa sinasabi ng ahensya na pagkakaroon ng pememeke sa pirma para mapa-encash sa PNB Calamba City branch ang may 30-tseke (P26.6 milyon).
Maging ang ginawang pag-aaral ng NBI sa mga tseke na pagkumpara nito sa mga lagda nina Chipeco at Toledo sa mga papeles na pangkaraniwang pinipirmahan ng dalawa sa halip na sa specimen signature cards sa PNB ay hindi bahagi ng ‘standard procedure’ sa pag-iimbestiga.
Noong Agosto 26 nang isinumite ng NBI kay Calamba City Prosecutor Noel Ocampo ang resulta ng imbestigasyon na nagsasabing ‘peke’ ang pirma nila Chipeco sa naipa-encash na 30-cheke at mistulang inaabsuwelto ang alkalde at iba pa sa nasabing multi-million anomaly.
Subalit ilang araw bago nito, binigyan ni Mayor Chipeco ng ‘testimonial dinner’ ang kaibigan at kababayang si Gatdula, kasunod nang pagkakatalaga bilang NBI director sa Ding Hao Restaurant sa naturang lungsod noong Hulyo 30.
“Gatdula should not have come but without regard to proper sense of decency and delicadeza he still attended the testimonial dinner tendered to him by Chipeco sweeping under the rug the fact that the NBI was then investigating the mayor on the P26.6 M ghost project anomaly,” dagdag pa ni Vergara.
- Latest
- Trending