Mag-asawa nagpatayan dahil sa anak

MANILA, Philippines – Trahedya ang sumalubong sa Kapaskuhan laban sa mag-asawa na magduelo ang mga ito na ikinasawi ng misis na habang kritikal naman sa tama ng bala ang mister nito sa bayan ng Guagua, Pampanga kamakalawa.

Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan si Mary Jane Guanlao Mendoza, 33, habang ginagamot sa Pampanga Medical Specialist Hospital sa Brgy. San Antonio ang mister na si Jimmy Mendoza na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Naganap ang insidente  pasado alas-10 ng gabi sa tahanan ng mag-asawang Mendoza sa Purok 5, Sitio  Virgen de los Remedios sa Barangay San Agustin.

Sa imbestigasyon, nag-ugat ang patayan matapos na magtalo ang mag-asawa sa pagkakasakit ng kanilang 4-anyos na anak na batang babae na si Janea.

Sa tindi ng pagtatalo ay hinagilap ni misis ang cal. 22 at pinaputukan ang kaniyang mister na hindi naman gaanong napuruhan sa kaliwang dibdib.

Gumanti naman ang duguang mister kung saan pinagsasaksak sa likuran ang kaniyang misis.

Show comments