Sundalo nangisay sa kuryente

FORT RAMON MAGSAYSAY, Palayan City, Philippines – Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang sundalo ng Phil. Army makaraang makuryente habang nanunungkit ng papaya noong Linggo ng umaga sa Fort Ramon Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija. Kinilala ni Capt. Cahar Sampurano, commanding officer ng Military Police Company ng 7th In­fantry (“Kaugnay”) Division, ang nasawi na si Army Pvt. Archie G. Dao-ayan, 24, binata, nakatalaga sa HHSBN. Base sa ulat, kumukuha ng papaya ang biktima gamit ang chimney aluminum pipe nang sumabit ito sa tension wire na nasa ibabaw ng puno ng papaya. Dahil dito ay agad na nangisay ang biktima at bumagsak sa lupa kung saan sinaklolohan nina Sgt. Henry B. Dantog, at Cpl. Neil S. Lataan na bumisita sa naturang lugar.

Show comments