KIDAPAWAN CITY, Philippines – Pinaniniwalaang dinamdam ng isang 34-anyos na tatay ang pagbubuntis ng kanyang 14-anyos na anak na babae kaya nagdesisyon itong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Alegria sa bayan ng Presidenyt Roxas, North Cotabato kamakalawa. Natagpuan ang nakabiting bangkay ng biktimang hindi pinangalana ng pulisya sa pakiusap na rin ng pamilya. Ayon sa pulisya, abgo magbigti ang biktima ay sinaksak muna ang kanayng tiyan at dibdib kung saan patuloy naman ang pagsisiyasat. Narekober ang kutsilyo na ginamit ng biktima maging ang nylon cord.