Councilor iniligpit

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang barangay councilor makaraang pagbabarilin ng dalawang maskaradong lalaki sa bahagi ng Barangay Imbesad-an sa bayan ng San Enrique, Iloilo kamakalawa ng hapon. Sabog ang bao ng ulo at idineklarang patay sa Iloilo Provincial Hospital si Councilor Valentino Dajay, 48, ng Barangay Cubay sa nasabing bayan. Nabatid pa na bago naganap ang pamamaril, ilang kalalakihan ang namataang umaaligid at sinasabing hinahanap ang biktima sa nabanggit na lugar.

Show comments