Barangay chairman itinumba
December 19, 2010 | 12:00am
MANILA, Philippines – Napaslang ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng mga 'di-kilalang lalaki sa Barangay San Luis, Tarlac City kamakalawa ng tanghali. Naisugod pa sa Central Luzon Doctor’s Hospital subalit idineklarang patay si Chairman Eduardo Garcia, 46, ng nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, pauwi na ang biktima mula sa barangay hall nang harangin at ratratin. Pinaniniwalaan may kinalaman sa pulitikang pambarangay ang isa sa motibo ng krimen.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest