Bangkay ng babae natagpuan

OLONGAPO CITY, Philippines – Isang babae ang natagpuang patay ng mga pulis dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo nito kamakalawa ng hapon sa nasabing lungsod. Sa report na ipinadala ni SPO2 Bernard Mascariña kay Olongapo City Police Director Sr. Supt.Oscar Albayalde, dakong alas-2 ng hapon noong Huwebes nang matagpuang nakaparada sa isang bahagi ng concrete riprap sa Purok 5 Barangay Nagbakulao, Olongapo City. Ang biktima ay may tama ng bala ng baril sa kanyang sentido at hawak pa umano nito sa kanyang kanang kamay ang isang 9mm pistolang baril sa driver side ng kanyang  kotse na isang Honda Civic na may plakang RBL-419, nakilala ang biktima na si Rina Jornales Gaberia ng Block 4, Waterdam road, Barangay Gordon Heights, Olongapo City na isang Chef Cook sa isang kilalang restaurant sa loob ng Subic Bay Freeport Zone.  

Show comments