^

Probinsiya

Nene nasagip; 1 kidnaper utas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Matagumpay na nailig­tas ng pinagsanib na ele­mento ng militar at pulisya ang isang 8 anyos na batang babae habang nasakote naman ang isa sa mga kidnaper sa rescue operation nitong Biyernes ng umaga sa bayan ng Pigkawayan, North Cotabato.

Sa phone interview, nilinaw ni AFP- Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom ) Chief Major Gen. Arthur Tabaquero na negatibo ang unang napaulat nitong Huwebes na nabawi na ang bihag dahilan kahapon lamang ito nailigtas.

Kinilala ni Tabaquero ang nasagip na biktima na si Cristina ‘Kazie' Tamayo, 8-anyos, Grade 3 pupil sa Montessori Elementary School sa bayan ng Pigkawayan . 

Ang biktima ay dinukot ng mga armadong tauhan ni Pentagon kidnap for ransom (KFR) Commander Alonto Tahir  nitong Huwebes sa Brgy. Poblacion, Pigkawayan kung saan napatay ang ama nitong negosyante na si Allan Tamayo matapos na pigilan ang pagdukot sa anak.

 Sa panayam naman kay Col. Cesar Sedillo, Commander ng Army’s 602nd Infantry Brigade, dakong alas- 5:30 ng umaga nitong Biyernes ng magsagawa ng raid ang kaniyang mga tauhan sa pinagkukutaan ng mga kidnaper sa Brgy. South Manuagan, Pigkawayan.

 Sa nasabing operasyon ay nasakote ang kidnaper na si Jomar Ungkaya habang nakatakas naman ang isa pa nitong kasamahan. Samantalang ang napatay na kidnaper na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ay sa hot pursuit operation nitong Huwebes kung saan binawian ito ng buhay matapos na isugod sa Amado Hospital sa bayan ng Midsayap.

Inihayag ni Sedillo na ang biktima  na ligtas na nabawi ay isinailalim sa ‘trau­matic remedial mea­sure ‘bago itinurnover sa kaniyang pamilya.

ALLAN TAMAYO

AMADO HOSPITAL

ARTHUR TABAQUERO

BIYERNES

BRGY

CESAR SEDILLO

CHIEF MAJOR GEN

COMMANDER ALONTO TAHIR

HUWEBES

PIGKAWAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with