^

Probinsiya

Brgy. chairman itinumba

-

MANILA, Philippines - Animo’y manok na pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman habang malubha naman nasu­gatan ng ang kanyang treasurer sa patuloy na karahasang nagaganap sa Barangay Macray sa bayan ng Bengued, Abra noong Miyerkules ng umaga. Kinilala ang napatay na si Chairman Bong Molina, 35, habang ginagamot naman sa Seares Memorial Hospital si Joseph Barbero, 31, kapwa opisyal sa Barangay Macray. Ayon kay Abra police director P/Senior Supt. Armando Laguiwid, nakatayo ang dalawa sa waiting shed nang lapitan at ratratin ng ‘di-pa kilalang lalaki. Si Molina ay tinamaan ng bala ng baril sa kanang bahagi ng tiyan at pusod habang si Barbero ay tinamaan sa likuran. Gayon pa man, makalipas ang apat na oras na follow-up operation ay naaresto ang isa sa dalawang suspek na si Redgie Timbreza sa kanyang bahay sa Barangay Kimmalaba sa bayan ng Dolores habang tugis naman ang isa pang suspek na si Rodel Pilor. Joy Cantos at Artemio Dumlao

vuukle comment

ABRA

ARMANDO LAGUIWID

ARTEMIO DUMLAO

BARANGAY KIMMALABA

BARANGAY MACRAY

CHAIRMAN BONG MOLINA

JOSEPH BARBERO

JOY CANTOS

REDGIE TIMBREZA

RODEL PILOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with