^

Probinsiya

Legal officer ng DAR kinatay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang legal officer ng Department of  Agrarian Reform (DAR) sa Region 9 matapos itong burdahan ng saksak  ilang metro ang layo sa kanilang tahanan sa  Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Arnel Wahab ng Brgy. Guiwan, Zamboanga City.

Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang krimen sa kahabaan ng E. Perez Drive sa Brgy. Guiwan bandang alas-6 ng gabi.

Nabatid na sinundo ng biktima ang anak nitong si Ahanshaina Wahab sa Immaculate Concepcion Elementary School.

Nang malapit na ang mag-ama sa kanilang tahanan ay hinarang saka kinaladkad ang biktima kung saan isinagawa ang krimen sa bakanteng lote na may ilang metro lang ang layo sa bahay ng pamilya Wahab.

Nagawa namang makatakbo ni Ahanshaina sa kanilang tahanan sa ma­tinding takot at naipagbigay-alam sa kanyang kasambahay ang naganap na krimen.

vuukle comment

AGRARIAN REFORM

AHANSHAINA

AHANSHAINA WAHAB

ARNEL WAHAB

BRGY

CAMP CRAME

GUIWAN

IMMACULATE CONCEPCION ELEMENTARY SCHOOL

KINILALA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with