Pekeng pulis tiklo

QUEZON, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang mister na nagpanggap na pulis at manutok sa konduktor ng pampasaherong bus kamakalawa ng gabi sa Barangay Talipan ng bayan ng Pagdilao, Quezon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Sandy Santiago, 39, ng Infanta, Quezon. Sa imbestigasyon ni PO2 Geraldo Lacorte, lulan ng AB  Bus Liner ang suspek nang lapitan at titikitan ng konduktor na si Rodito Cantos, 21. Gayon pa man, nagalit ang suspek at nagpakilalang pulis kung saan hawak ang baril at itinutok sa mukha ng konduktor. Sa takot ng kondutor ay nagpunta na lamang ito sa unahan ng bus at nang mapadaan sa checkpoint sa Barangay Talipan ay ipinahinto sa driver ang bus at kaagad na ipinaaresto ang suspek. Natuklasan na pekeng baril ang dala ng suspek at hindi rin ito pulis matapos na walang maipakitang kaukulang dokumento.

Show comments