^

Probinsiya

NPA ambush: 10 sundalo, bata dedo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sampung sundalo ng Phil. Army at isang sibilyan ang iniulat na napaslang makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa panibagong paghahasik ng karahasan sa Barangay Perez sa hangganan ng mga bayan ng Catubig at Las Navas, Northern Samar noong Martes ng hapon.

Gayon pa man, tu­manggi muna si AFP-Central Command Chief Lt. Gen. Ralph Villanueva na tukuyin ang pagkakakilanlan sa mga sundalong napatay dahil kailangan pang impormahan ang pamilya ng mga ito.

Samantala, kinilala naman ang sibilyang napatay na si Joven Kabe, 9, na niratrat ng mga rebelde habang lumalangoy sa ilog.

Naisugod naman sa ospital ang dalawang su­gatang sundalo na sina Cpl. Ricardo Cabral at Pfc. Heder Pavilion.

Nabatid na idineklarang ceasefire ng AFP sa CPP-NPA-NDF ay mag-uumpisa ngayong araw (Disyembre 16) na tatagal hanggang Enero 3, 2011.

Nabatid na pabalik na sa kampo ang tropa ng Army’s 63rd Infantry Battalion kaugnay ng implementasyon ng ceasefire nang ratratin at pasabugan ng landmine ng mga rebelde.

Ikinalungkot naman ng hepe ng Army’s 8th ID na si Major Gen. Mario Chan ang insidente lalo na at abala ang mga sundalo sa paghahanda sa tigil-putukan kung saan ay ipinaabot din nito ang pakikiramay sa naulilang pamilya ng mga biktima.

BARANGAY PEREZ

CENTRAL COMMAND CHIEF LT

INFANTRY BATTALION

JOVEN KABE

LAS NAVAS

MAJOR GEN

MARIO CHAN

NABATID

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with