^

Probinsiya

P1-M kargamentong hinaydyak narekomer

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines — Aabot sa P1 milyong kargamento na hinaydyak ang narekober ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa isinagawang follow-up operation sa Brgy. Sta. Rosa II sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kay Provincial Director P/Senior Supt. Fernando Villanueva, Bulacan police director, narekober ang 22 yunit ng refrigerator, washing machine 2 aircon at 27 yunit ng Ultra Slim television habang inaalam ang kinalalagyan ng nalalabing piraso ng mga home appliances na kabilang sa hinaydyak.

Kasalukuyang isinailalim sa tactical interrogation ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Marlon Santos ng CIDG-Bulacan ang suspek na si Reynaldo Florida, 50, na sinasabing kasangkot at kontak ng mga haydyaker.

Nauna nang hinaydyak ang 10-wheeler truck (RAB-516) na pag-aari ng Ximex Delivery Express sa bahagi ng Parañaque City noong Disyembre 6 kung saan narekober naman sa bahay ni Florida.

Nabatid na inabandona ng mga suspek ang drayer ng truck na si Julie Suñas kasama ang dalawang pahinante sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa Brgy. Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan.

BRGY

BULACAN

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FERNANDO VILLANUEVA

JULIE SU

MARLON SANTOS

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PROVINCIAL DIRECTOR P

REYNALDO FLORIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with