2 nangisay sa kuryente

MANILA, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng dalawang lalaki habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang makuryente habang nagpuputol ng mga punungkahoy na sagabal sa mga kable sa bahagi ng Sunset Valley Homes Subd. Sa Barangay Cutcut sa Angeles City, Pampanga kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Angeles City Police Director Sr. Supt. Danilo Bautista ang mga nasawi na sina Daniel Dunluhan, 43; at isang tinukoy lamang sa pangalang Lucas. Sa imbestigasyon, nabatid na sinamantala ng apat ang brownout at pinutol ang mga puno na nakadikit sa mga linya ng kuryente.Gayon pa man, biglang bumalik ang suplay ng kuryente kaya’t nakita na lamang na nagkikisay ang apat.

Show comments