2 tiklo sa pekeng titulo ng lupa

BATAAN, Philippines – Dalawang kababaihan ang dinakip ng pulisya makaraang maaktuhang nagbebenta ng pekeng titulo ng lupa kamakalawa ng gabi sa Barangay Poblacion, Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi. Pormal naman kinasuhan ni P/Supt. Arnel Libed, hepe ng Balanga City PNP, ang mga suspek na sina Emily M. Hernandez, 36, ng Barangay Puting Buhangin, Orion at Concepcion E. Alarcon, 50, ng Villa Angeles, Limay, Bataan.  Ayon kay PO3 John Canare, ang mga suspek ay inireklamo ni Geraldine Felipe ng Villa Angeles sa bayan ng Limay kung saan natangayan ng ma­laking halaga kapalit ng pekeng titulo. Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos makorner ng pangkat ni P/Senior Insp. Ronie Fabia, deputy chief of police sa Balanga City.

Show comments