6 NPA todas sa encounter
MANILA, Philippines - Anim na rebeldeng New People’s Army ang iniulat na napaslang habang tatlong iba pa ang sugatang nasakote sa naganap na magkahiwalay na giyera sa Compostela Valley at Sorsogon kahapon ng umaga.
Ayon kay Army Chief Lt. Gen. Arturo Ortiz, naganap ang unang engkuwentro ng Army’s 25th Infantry Battalion laban sa sampung rebelde sa liblib na bahagi ng Brgy. Pasian, sa bayan ng Monkayo, Compostela Valley kung saan apat na rebelde ang natapay.
Kabilang sa mga napaslang ay tinukoy lamang sa mga alyas Ka Rambo, Ka Isang, Ka Wendel at si alyas Ka Tanya.
Walang iniulat na nasugatan sa panig ng mga sundalo habang nakarekober naman ang limang M16 Armalite rifle .
Kasunod nito, nakasagupa naman ng tropa ni Lt. Col Santiago Enginco ng 49th Infantry Battalion ang mga rebelde sa bahagi ng Brgy. San Isidro, sa bayan ng Barcelona, Sorsogon kung saan dalawa naman ang napatay.
Kinilala ang mga napatay na sina Ka Roma at Ka Joshua habang sugatan naman sina Jason Brual alyas Ka Butch, kumander ng NPA Front Committee 79 na nasa kritikal na kondisyon; alyas ka Alvin at si Nelson Punilas alyas Ja Juvy.
Naganap ang sagupaan 10-araw bago pormal na ipatupad ng pamahalaan ang ceasefire laban sa CPP-NPA sa Disyembre 16 hanggang Enero 3, 2011.
- Latest
- Trending