^

Probinsiya

Sasakyan ng solon pinasabog

- Ni Randy V. Datu -

ZAMBALES, Philippines – Niyanig ng pagsabog ang sasakyan ni Zambales 2nd District Congressman Antonio M. Diaz matapos hagisan ng Molotov bomb ng ‘di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Purok 5, Barangay Salaza sa bayan ng Palauig, Zambales kamakalawa ng gabi.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nakaparada ang asul na Toyota Hi-Lux pick up (WPV-829) sa garahe ni Glenn Elayda, executive assistant secretary ng solon nang hagisan ng bomba.

Kasunod nito, sinunog naman ang bahay ng kanyang biyanang si Agosto Sarmiento.

Wala namang nasaktan sa pagsabog kung saan nasunog ang unahang bahagi ng sasakyan.

Ayon kay Elayda, problemang pamilya ang motibo ng krimen, kung saan nakatanggap siya ng banta noong nakalipas na linggo mula sa hindi tinukoy na grupo ngunit may kutob siya na ang mga suspek ay naninirahan lamang sa kalapit barangay.

Nilinaw naman ni Rep. Diaz na malayo sa kanya ang banta dahil wala siyang kagalit sa pulitika at pinayuhan na lamang si Elayda na ingatan ang sarili.

Nakipag-ugnayan na rin ang biktima sa kanyang abogado hinggil sa planong pagsampa ng kaso laban sa mga bomber.

vuukle comment

AGOSTO SARMIENTO

AYON

BARANGAY SALAZA

DIAZ

DISTRICT CONGRESSMAN ANTONIO M

ELAYDA

GLENN ELAYDA

KASUNOD

TOYOTA HI-LUX

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with