Wanted sa kasong homicide

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ng pu­lisya si GLENN S. ENDRINA JR., 38, tubong Masbate, ng Barangay Bun­suran, sa bayan ng Pandi, Bulacan. Ito’y ma­tapos na maglabas ng warrant of arrest si Judge Myrna S. Lagrosa ng Municipal Trial Court ng Pandi, Bulacan na may petsang Sept. 15, 2010 ka­ugnay sa kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa akusado. Sangkot si Endrina sa aksidenteng naganap noong Mayo 6, 2010 sa provincial road ng Brgy. San Roque kung saan idineklarang patay sa Pandi Emergency Hospital si Meynard Sandoval, 19, na nabangga ng akusado. Minamaneho ni Endrina ang traysikel (Sky Go/9725PM) kasama ang kanyang misis na si Antonia Endrina habang lulan naman ng motorsiklo (BE9238) si Sandoval.

Hin­­di sumipot si En­dri­­­na sa mga isinagawang pa­dinig at tuluyan na itong nagtago na sinasabing na­­mataan sa bahagi ng Navotas, Metro Manila.

Show comments