LUBANG ISLAND, Occidental Mindoro, Philippines - Namahagi ng 100 yunit ng libreng laptop ang lokal na pamahalaan ng Lubang Island sa Occidental Mindoro kasama ang iba’t ibang non-government organization sa mga estudyante ng dalawang elementary school para sa kanilang One Laptop Per Child (OLPC) project kahapon.
Pinangunahan ni Department of Education Secretary Armin Luistro at Lubang Mayor Juan Sanchez ang pamamahagi ng unang 100 yunit ng XO laptop sa mga mag-aaral ng grade 4 ng Lubang Integrated School at Maligaya Elementary School sa Lubang Island, Occidental Mindoro.
“Hanggad ng pamahalaan ng Lubang na gawing computer literate at technology champion ang mga estudyante para makahabol sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo,” pahayag ni Mayor Sanchez. Dahil sa masidhing makatulong sa mga mag-aaral, nagtulung-tulong ang mga dating kawani ng National Computer Center, at mga pribadong sector tulad ng MetroBank Foundation, Metro Pacific Tollways Corporation at PMA Class ’55 Foundation para sa mangalap ng pambili ng laptop para sa mga estudayante ng Lubang Island.