Pulis utas sa pamamaril

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang pulis habang sugatan naman ang kasamahan sa naganap na pamamaril sa bahagi ng Barangay Carmen sa Misamis Oriental, kamakalawa. Kinilala ang nasawi na si PO1 Jessie Gacus; habang sugatan naman si Charlie Patalinghug. Nadakma naman ang mga suspek na sina Joven Egar, Marlon Tacbobo, Rolando Gunayan at ang bumaril kay Gacus na si Antonio Espaguera Jr. Ayon kay P/Chief Inspector Reynante Reyes, nagsasagawa ng “Oplan Kapkap ang pulisya nang ratratin ng mga suspek.

 

Show comments