2 tiklo sa toneladang botcha

BULACAN, Philippines  – Dalawa-katao ang nasakote ng pulisya makaraang makumpiskahan ng toneladang botcha sa isinagawang operasyon laban sa pagbebenta ng double dead meat sa bahagi ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Rodolfo Pascual at Danilo Bondoy matapos na arestuhin sa inilatag na checkpoint. Ayon sa ulat, sina Pascual at Bondoy ay lulan ng dalawang Tamara FX na may mga plakang CJT 392 at CJY 490 kung saan sinasabing patungong Maynila para ibenta ang mga karne ng baboy na pinaniniwalaang double dead meat. Wala naman maipakitang kaukulang dokumento ang mga suspek kaya dinakip at kinasuhan.

Show comments