^

Probinsiya

Haydyaker timbog: P.5-M produkto nabawi

- Ni Boy Cruz -

MARILAO, Bulacan , Philippines —Bumagsak na sa puwersa ng pulisya isang miyembro ng hijacking group kasabay nang pagkabawi sa may P.5 milyong pisong produkto na kinulimbat ng grupo nito, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Provincial Director P/SSupt. Fernando Villanueva ang mga biktima na sina Donato Francisco 33, Mark Anthony Marquez 28, kapwa mga empleyado ng Megavia Corp. na nasa Brgy.Tikay, Malolos City habang kasalukuyan namang nakapiit ang suspek na si Bornio Socito Jr., 39, ng Vista Verde Subd., Brgy. Kaybiga, Caloocan City. Narekober sa suspect ang isang 38 rev. 

Base sa imbestigasyon dakong alas-7:30 ng uma­ga ay namataan ni Alvin Estuaria, 33, salesman ng na­turang kompanya ang kanilang sasakyang Mitsubishi Canter ( XHE-257 ) na naglalaman ng kalaha­ting milyong pisong halaga ng sigarilyo at agad na iniulat ito sa pulisya na ka­agad nagsagawa ng police checkpoint sa Brgy. Abangan Sur, Marilao na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakabawi sa produkto.

 Bago ito ay pinara ng ilang kalalakihang naka­suot ng mga jacket at bull cap na may tatak ng PNP na nakasakay sa wa­­lang plakang motorsiklo ang na­turang sasakyan na mag­dedeliber sana ng produkto sa isang super­market sa Brgy. Tuk­t­ukan, Guiguin­to saka pwer­sahang isi­nakay ang dalawang bik­tima sa isang Toyota Innova na walang plaka na nakapiring ang mga mata at inabandona sa isang lugar sa Mabalacat, Pampanga.

vuukle comment

ABANGAN SUR

ALVIN ESTUARIA

BORNIO SOCITO JR.

BRGY

CALOOCAN CITY

DONATO FRANCISCO

FERNANDO VILLANUEVA

MALOLOS CITY

MARK ANTHONY MARQUEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with