Principal inireklamo

PAGBILAO, Quezon, Philippines — Nasa balag ngayon ng alanganin ang isang high school principal ng isang pribadong paaralan matapos na ito ay ireklamo ng pananakot sa kanyang estud­yante, kamakalawa ng hapon.Pinadalhan na ng imbitasyon ng pulisya ang suspek na si  Imelda Rodriguez, may-sapat na taon gulang at kasalukuyang principal ng CVE Colleges Inc. upang sagutin ang akusasyon sa kanyang ng biktimang itinago sa pangalang Ronaldo, 15 anyos.

Batay sa salaysay ng estudyante kay PO2 Lerma de Luna, dakong alas-3 ng hapon ay nakatayo siya sa loob ng compound ng nasabing paaralan nang lapitan siya ng principal at inaambaan ng suntok. Hindi pa nasiyahan, hinawakan pa umano ng principal ang kuwelyo ng estudyante saka isinalya. Nabatid na kapag napatunayan ang akusasyon, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 ang principal.

Show comments