Pentagon KFR arestado

MANILA, Philippines – Nalambat ng mga awtoridad ang notoryus na miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom group sa isinagawang ope­rasyon sa Brgy. Bagontapay sa bayan ng M’lang, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakara­ting kahapon sa tanggapan ni Air Force Chief, Lt. Gen. Oscar Rabena, kinilala ang naarestong kidnaper na si Misuari Panangulon alyas Suary/Misuari at tauhan ni Kumander Tahir Alonto.

Nabatid­ na si Panangulon ay nahaharap sa kasong attempted kidnapping, robbery with multiple homicide at multiple serious physical injuries sa sala ni Judge Francis Palmones Jr. ng Tacurong City Regional Trial Court Branch 20.

Show comments