3 bagets nalunod sa ilog

MANILA, Philippines - Tatlong bagets ang iniulat na nasawi makaraang malunod habang nangingisda sa dam na sakop ng Sitio Abayan sa Barangay General Climaco,Toledo City, Cebu kamakalawa. Kabilang sa mga nalunod ay sina Jerick Egloria Camos, 15; Ronnie Montomo, 13; at si Jonathan Egloria , 16. Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, lumilitaw na nagkasundo ang mga biktima na mangisda para may maiulam sa agahan. Subalit nakasalubong si kamatayan habang lumalangoy matapos tangayin ng malakas na agos hanggang sa tuluyang lamunin ng tubig. Narekober naman ang bangkay ng mga biktima matapos 3-oras na search and rescue operation.

Show comments