^

Probinsiya

Vice mayor na loyalista sa Ampatuans itinumba

- John Unson -

COTABATO CITY, Philippines  – Pinabulagta ang isang vice mayor na kilalang loyal henchman ng mga Ampatuans makaraang barilin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Davao City kahapon ng umaga.

Kinilala ang napaslang na si Vice Mayor Alex To­mawis kung saan nasa ikat­long termino sa bayan ng Barira, Maguindanao matapos manalo noong Mayo 10, 2010 eleksyon.

Si Tomawis na sinasabing tagasunod ng Am­patuan clan partikular ng nakakulong na si dating Maguindanao Governor Datu Andal Ampatuan ay popular dahil sa political alliance sa limang alkalde sa 1st district ng Ma­guindanao.

Naunang kumalat ang balita na si Tomawis ay lalahok sa governatorial race sa Maguindanao sa 2013 local elections. Naging kontrobersyal si Tomawis noong nakalipas na barangay elections matapos harangin ng Army’s 603rd Brigade ang kanyang convoy.

Nasamsam ng militar sa convoy ni Tomawis ang mga election paraphernalia at balota para sa ilang barangay sa mga bayan ng Barira at Buldon, Maguindanao kung saan ang kanyang misis ay alkalde.

vuukle comment

AMPATUANS

BARIRA

BULDON

DAVAO CITY

KINILALA

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO GOVERNOR DATU ANDAL AMPATUAN

SI TOMAWIS

TOMAWIS

VICE MAYOR ALEX TO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with