MANILA, Philippines - Umaabot sa P11 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala matapos isabotahe ng mga rebeldeng New People’s Army ang plantasyon ng saging sa mga Sitio Saguina at Kabalawan sa bayan ng Tago, Surigao del Sur kamakalawa. Ayon sa ulat, nilusob ng mga armadong rebelde ang plantasyon ng Dole Philippines kung saan walang habas na pinagtatagpas ang 22,000 puno ng saging na karamihan ay mamumunga na. Gayon pa man, matapos ipagbigay-alam ni Chairman Pedro Olvis ng Brgy. Anahaw Daan kaagad naman rumesponde ang.mga tauhan ng 23rd Infantry Battalion sa pamumuno ni Sgt. Eddie Hiran at mga tauhan ng Special Cafgu Active Auxiliary (SCAA) na nakasagupa pa ang mga rebelde habang papatakas. Lumilitaw sa inisyal na ulat na pangingikil ang isa sa motibo ng insidente.