^

Probinsiya

Stude kinatay ng manliligaw

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 2nd year high school student makaraang tadtarin ng saksak ng isang security gurad na binasted sa panliligaw sa Hambil Island, sa bayan ng San Jose, Romblon kamakalawa.

Pormal naman kakasuhan ang naarestong suspek na si Lowen Laot, 25, security guard at nakatira sa bayan ng Libacao, Aklan.

Si Laot ay itinuturong nasa likod ng pagpatay sa biktimang tinukoy lamang sa pangalang Rowena, 2nd year high school student.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen may ilang metro lamang ang layo sa tahanan ng biktima habang pauwi ito mula sa eskuwelahan dakong alas-5 ng hapon.

Lumilitaw na hinarang ng suspek at pinilit na sumama sa kaniya ang biktima ayon sa ilang testigo bago pa man nadiskubre ang bangkay ng dalaga.

Pinaniniwalaan namang hindi matanggap ng suspek ang kantiyaw ng mga kaibigan sa pagkabigo nito matapos mabasted sa panliligaw sa biktima na siyang sinisilip na motibo ng pamamaslang.

AKLAN

CAMP CRAME

HAMBIL ISLAND

LIBACAO

LOWEN LAOT

LUMILITAW

PINANINIWALAAN

PORMAL

SAN JOSE

SI LAOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with