^

Probinsiya

Binata sinilaban ang sarili

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Philippines — Isang 40-anyos na binata ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagsunog ng kanyang sarili sa loob ng tinutuluyan nitong boarding house kahapon ng madaling-araw sa Purok 7, Aeroville Subd. sa lungsod na ito.

Nakilala ang biktimang si Patrick Magulang, tubong Baguio City at pansamantalang nanunuluyan sa na­turang lugar.

Ayon kay Supt. Abelardo Borromeo ang Chief of Police ng lungsod ang insidente ay naganap dakong alas-3:40 ng madaling-araw sa loob ng boarding house ng biktima.

Napag-alaman na gamit ng biktima ang molotov na siyang ginamit nito sa pagsunog ng kanyang kuwarto at natusta ang katawan nito ng matagpuan sa loob ng kuwarto ng mga rumespondeng miyembro ng Bureau of Fire and Protection.

Nakuha pa sa loob ng kuwarto ng biktima ang dalawang bote na may-laman pang gasolina.

Ayon sa mga kapitbahay ng binata na bigla na lamang silang nakarinig ng isang malakas na pagsabog sa loob ng kuwarto kasunod ng pagliliyab ng apoy.

Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

ABELARDO BORROMEO

AEROVILLE SUBD

AYON

BAGUIO CITY

BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

CHIEF OF POLICE

ISANG

NAKILALA

NAKUHA

PATRICK MAGULANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with